-- Advertisements --
Nagsimula ng magtaas ng kanilang presyo ang mga kumpanya ng liquefied petroleum gas (LPG).
Nagtaas ng P1.00 sa kada o mayroong P11.00 na pagtaas sa kada 11-kg. na tanke ng LPG.
Mayroon ding P0.56 na pagtaas sa kada litro ng Auto LPG.
Ipinatupad ng Petron ang nasabing dagdag presyo 12 ng hating gabi ng Oktubre 1.
Habang ang Solane ay mayroong P0.89 sa kada kilogram ang itinaas o P9.79 sa kada 11-kg. na tanke ng LPG.
Naging epektibo naman ang LPG price adjustment ng Solane nitong 6 a.m.