-- Advertisements --
Magpapatupad ng panibagong price increase ang mga kompaniya ng liquefied petroleum gas (LPG) sa mga susunod na araw.
Ayon sa industry sources, maaaring umabot hanggang 60 sentimos ang itaas sa kada kilogram ng LPG sa pagpasok ng Disyembre.
Nangangahuligan ito na P6.60 ang idaragdag sa presyo ng bawal 11 kg cylinder na karaniwang binibili para sa mga bahay.
Sa ngayon, naglabas na ng abiso ang Petron, kung saan 25 sentimos ang kanilang magiging umento sa kada kilo ng kanilang LPG.
Habang 15 sentimos naman ang idaragdag sa kada litro ng AutoLPG.
Ang adjustment ay dahil umano sa paggalaw ng international contract price.