-- Advertisements --
CAUAYAN CITY – Pumanaw na si LPGMA Party List Representative Rodolfo Albano Jr. sa edad na 85 matapos makaranas ng heart failure nitong Martes ng gabi.
Ito ang kinumpirma mismo sa Bombo Radyo Cauayan ng kanyang anak na si Isabela Governor Rodito Albano.
Sa ngayon ang labi ng mambabatas ay nakalagak pansamantala sa Cardinal Santos sa Maynila.
Nauna nang isinugod sa ospital nitong Lunes si Cong. Albano dahil sa karamdaman bago binawian ng buhay.
Nakatakdang iuwi sa Isabela ang labi ni Cong. Albano Jr. sa darating na araw ng Sabado at pansamantalang ilalagak sa Provincial Capitol ng Isabela bago iuwi sa kanilang tahanan sa Cabagan, Isabela.