-- Advertisements --
LRT 1 Cavite extension project

Malapit ng matapos ang konstruksyon ng LRT-1 Cavite Extension 1 ngayong last quarter ng taong ito.

Ayon sa Light Rail Manila Corporation halos 94.1% na ang progress ng naturang proyekto.

Ang LRT-1 Cavite Extension Phase 1 Project ay mayroong haba na 6.7-kilometer.

Ito ay kinabibilangan ng limang istasyon kasama ang Redemptorist Station (86.3% progress), MIA Station (86.9% progress), Asia World Station na konektado sa ParaƱaque Integrated Terminal Exchange( 72. 9%progress_, Ninoy Aquino Station(81.5%progress) at ang huling istasyon na Dr. Santos Station(90.5%progress).

Kabilang na rito ang mga terminal ng bus, sports facility, at koneksyon malapit na SM City Sucat.

Ayon kay Light Rail Manila Corporation President and CEO Juan F. Alfonso, layunin ng proyektong ito na maipamalas ang modern railway experiences sa mga commuters.