-- Advertisements --
Umaasa ang Department of Transportation (DOTr) na magkakaroon na ng partial operations sa buwan ng Oktubre ngayong taon ang LRT 1 Cavite extension.
Ayon kay DOTR Executive Assistant Jonathan Gesmundo, na sa ngayon ay nasa 98 percent ng tapos ang nasabing proyekto.
Sa kabuuan kasi ay mayroong limang estasyon ito at ang Dr. Santos Avenue sa Sucat ay maaaring operational na ngayong taon.
Habang ang natitirang mga station ay posible sa susunod na taon na.
Sinabi naman ng Light Rail Manila Corporation na ang Cavite Extension project ay magdadagdag sila ng walo pang estasyon na kasalukuyan ay nasa 20 LRT-1 station na dagdag na 11 kilometers sa kasalukuyang railway system.
Kapag operational na aniya ay makikinabang dito ang nasa 300,000 na pasahero.