Nakatakdang buksan ang Light Rail Transit-1 (LRT-1) Cavite Extension ngayong buwan ng Nobyembre matapos makumpleto ang phase 1 nito.
Magbibigay naman ito ng kaginhawaan sa mga commuter dahil ang nasabing extension ay kokonekta sa istasyon ng Baclaran sa lungsod ng Pasay hanggang Dr. Santos Station sa lungsod ng Parañaque na mas magpapaikli ng byahe sa 30 minuto na lamang mula sa kasalukuyang mahigit isang oras na biyahe mula Metro Manila hanggang Cavite.
Pinagmalaki pa ng ahensya na ang nasabing extension ay makakapag-accommodate ng karagdagang 80,000 na pasahero.
Habang binuksan rin ang bagong station na maaari nang magamit. Ito ang mga istasyon ng Aseana, MIA Road Station, PITX station, Ninoy Aquino Avenue station, at Dr. Santos o dating Sucat station.
Ang pagbubukas ng mga naturang karagdagang istasyon ay upang mapababa umano ang time travel ng mga mananakay mula sa Quezon City hanggang Parañaque City.