-- Advertisements --

Operational na ang buong LRT-1 Cavite Extension Project Phase 1 ngayong araw, Nobyembre 16.

Ang proyektong ito ay nabuo dahil sa pagtutulungan ng mga private sector at gobyerno.

Layon nito na gawing mabilis , abot kaya at mas maayos ang transportasyon mula sa mga lugar sa Metro Manila at lalawigan ng Cavite.

Ito ay may kabuuang haba na 6 kilometers na binubuo ng lima na mahahalagang istasyon.

Kinabibilangan ito ng Redemptorist-ASEANA Station, MIA Road Station, Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) Station, Ninoy Aquino Avenue Station, at Dr. Santos Station.

Dahil sa pagbubukas nito ngayong araw, napakinabangan na ng mga kumyuters ang isang modernong pasalidad na makatutulong para sa kanilang kagaanan.

Aabot sa 80,000 na pasahero ang kayang ma-accomodate ng naturang linya araw-araw.

Magsisimula ang biyahe alas 5 ng umaga at magtatapos ito ng alas 9:30pm para sa tren sa Northbound mula Dr. Santos at 9:45pm patungo sa Sountbound mula FPJ Station.