Target buksan ang Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) Cavite Extension sa huling quarter ng susunod na taon.
Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), nasa 94% nang kumpleto ang unang bahagi ng Cavite extension project.
Positibo ang pamunuan ng LRT na masisimulan na ang operasyon ng LRT-1 Cavite extension nang wala pang isang taon.
Magandang sinyales aniya ang kabuuang progress rate upang magkaroon ang bansa ng modern railway experience kung saan maaaring makinabang ang mga pasahero sa world-class amenities, user-friendly at PWD-friendly facilities, may mataas na standards padating sa seguridad at kaligtasan ng mga pasahero at value-added services.
Sa oras na makumpleto ang proyekto, madaragdagan pa ng 8 istasyon ang kasalukuyang 20 istasyon ng LRT-1.
Tatakbo ito sa malalaking lungsod gaya ng Quezon city, Caloocan, Manila, Pasay at Paranaque patungo sa Bacoor, Cavite.