-- Advertisements --

Ngayon pa lamang ay nagpaalala na ang Light Rail Manila Corporation (LRMC) hinggil sa idudulot na inconvenience sa southbound lane ng CAVITEX (Cavite Expressway) malapit sa Parañaque bridge.

CAVITEX LRT 1 2
(C) @officialLRT1

Ito’y para sa nakatakdang pagsara nito sa darating na September 15 hanggang December 15 upang bigyang daan ang construction activities ng LRT (Light Rail Transit)-1 Cavite Extension Project.

Kabilang dito ang pipe relocation works ng Maynilad para sa 11.7-kilometer LRT-1 Cavite Extension project.

Ayon sa operator ng naturang proyekto, malaking ginahawa naman ang resulta nito sa oras na matapos kung saan magiging mas mabilis at mas madali na ang biyahe mula Baclaran hanggang sa Bacoor, Cavite.

“We are aware that this will bring temporary inconvenience. But once the project is completed, travel between Baclaran and Bacoor will be faster, easier, and more convenient for our commuters,” ani LRMC Cavite Extension Management Team (CEMT) Project Execution Manager Reynaldo Pangilinan.

“Despite the limitations brought by the quarantine period and the necessary adjustments, we have been able to make progress on this project,” dagdag nito.

Una nang inihayag ng Department of Transportation na magiging 25 minuto na lamang ang travel time, mula sa dating mahigit isang oras.

Nabatid na 40 percent na ng LRT-1 Cavite Extension ang nasimulan noong nakaraang taon, hanggang sa naabutan ng lockdown.