-- Advertisements --
Inanunsyo ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na kanilang pinaaga ang “last trip” ng Light Rail Transit (LRT)-1 simula bukas, July 29.
Ayon sa nasabing LRT-1 operator, ito ay upang bigyan daan ang system upgrading works para sa mas ligtas at maayos na serbisyo sa mga commuter.
Nabatid na alas-10:00 ng gabi kapag weekdays ang huling biyahe ng LRT-1.
Mananatili namang alas-4:30 ng madaling araw pa-north at southbound ang simula ng LRT-1 trip.