-- Advertisements --

Inanunsyo ng pamunuan ng Light Rail Manila Corporation na limitado ang operasyon ngayon ng LRT-1 dahil sa isinasagawang paglilinis sa mga riles.

Ilan kase sa kanilang mga linya ay nabagsakan ng mga naputol na kahoy dahil sa bagyong Kristine.

Ayun sa kumpanya, limitado ang byahe ng LRT-1 mula Central Terminal hanggang Fernando Poe Jr Station, vice versa.

Magtatagal ang implementasyon nito hanggang mamayang hapon at muling sisimulan ang kanilang commercial service pagsapit ng alas 4:30pm.

Layon ng hakbang na ito na maayos ang kalagayan ng mga istasyon at upang matiyak ang kaligtasan ng mga mananakay.