-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na magkakaroon ng libreng sakay ang lahat ng tren ng LRT-1, LRT-2 at MRT-3 sa araw ng Biyernes, Disyembre 20.

Sinabi ni Presidential Communications Office Secretary Cesar Chavez, na ang sasagutin ng Office of the President ang lahat ng mga gastusin.

Kadalasan itong isinasagawa tuwing Biyernes bago mag-Pasko.

Sa pahayag ni Pangulong Marcos, na ngayong taon lamang ay naitala ang pinakamataas na ridership.

Maituturing na ito na ang simpleng Pamasko ng Pangulo sa publiko na naghahanda sa kapaskuhan.

Inaasahan ng Palasyon na magkakaroon ng 460,000 na pasahero ang sasakay sa LRT-1 , habang mayroong 200,000 para sa LRT-2 at 450,000 naman para sa MRT-3.

Buong araw na magkakaroon ng libreng sakay ang gobyerno para sa nasabing mga train systems.