Inanunsyo ng pamunuan ng Light Rail Manila Corporation na mag papatupad rin sila ng temporary suspension ng kanilang serbisyo ngayong Semana Santa.
Ito ay magsisimula sa a March 27 (Holy Wednesday) hanggang March 31, 2024 (Easter Sunday).
Kasabay ng pagsasara ng LRT-1 ay ang pagsasagawa nila ng kanilang annual preventive maintenance activities.
Magsasagawa rin sila ng mandatory testing activities sa system integration LRT-1 Cavite Extension.
Binigyang diin pa ng Light Rail Manila Corporation na importante ang naturang test ng sa gayon ay maisakatuparan ang partial operations ng nasabing linya sa ika apat na bahagi ng kasalukuyang taon.
Mananatili naman ang regular operating hours ng kompanya sa March 25 (Holy Monday) at March 26 (Holy Tuesday).
Magbabalik normal naman ang operasyon ng LRT1 sa unang araw ng buwan ng Abril.