-- Advertisements --

Libreng sakay ang alok ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga suki nito na apektado ng pansamantalang tigil operasyon ng LRT-Line 2.

Nagtalaga ng shuttle bus ang MMDA sa ilalim ng Santolan footbridge sa Marikina na maghahatid sa mga commuter hanggang Cubao.

Una ng inamin ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na posibleng umabot ng siyam na buwan bago maibalik ang operasyon ng tren dahil sa nasunog na riles nito sa pagitan ng Katipunan at Anonas station kahapon.

Nasa 200,000 pasahero ang inaasahang epekto ng tigil operasyon batay sa pagtatala ng LRTA.