Balik na sa full operation ang Recto Station sa Light Rail Transit-Line 2 matapos masunog ang isang residential area sa Recto Avenue sa Maynila noong Miyerkules.
Pansamantalang nagpatupad ng provisionary service ang pamunuan ng LRT-2 noong Miyerkules, simula ng hapon, dahil sa sunog na umabot sa ikalimang alarma alas-3:46 ng hapon.
Ang naganap na sunog na may ikalimang antas ng alarma ay nangailangan ng kabuuang 16 na rumespondeng mga fire truck.
Ang mga ulat ay nagsabi na ang flare ay unang umabot sa unang alarma sa 3:14 ng hapon, na nangailangan lamang ng dalawang rumespondeng firetruck.
Naging resulta ng naganap na insidente na magbigay na lamang ng serbisyo ang pamunuan ng LRT-2 ang Antipolo hanggang Legarda Stations at vice-versa, hindi kasama ang Recto Station na malapit sa lugar kung saan naganap ang insidente.
Ang Recto Station ay ang western terminal ng LRT-2.
Iniuugnay din nito ang LRT-2 sa Doroteo Jose Station ng Light Rail Transit-Line 1.
Sa kasalukuyan, maaari nang makasakay uli ang mga pasahero sa nasabing linya ng tren dahil nasiguro na ng mga awtoridad na ligtas ang lugar na malapit sa nangyaring sunog.