-- Advertisements --

Good news para sa mga solo parent na pasahero ng LRT-2!

Maghahandog ang Light Rail Transit Authority (LRTA) ng isang araw na libreng sakay sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) para sa mga pasaherong solo parent ngayong araw ng Sabado, Abril 20, 2024.

Ayon sa pamunuan ng LRTA, ito ay kanilang inihanda bilang paggunita sa selebrasyon ng National Solo Parents Day at upang kilalanin ang magigiting na solo parents na patuloy na itinataguyod ang kanilang pamilya.

Maaaring sumakay ang mga solo parent ngayong ala-siyete ng umaga hanggang alas nuebe ng umaga at magpapatuloy itong muli mula ala-singko ng hapon hanggang ala-siyete ng gabi ngayong Sabado.

Upang ma-avail ang nasabing libreng sakay, kinakailangan lamang ipakita ang Solo Parent’s Identification Card o Solo Parent Certificate of Eligibility bilang katibayan.