-- Advertisements --
LRT3
LRT2

Magbibigay ng libreng sakay ang Light Rail Transit (LRT-2) para sa mga kababaihan sa araw ng Linggo March 8 kasabay ng pagdiriwang ng International Women’s Day.

Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA) na magsisimula ang libreng sakay mula 7 a.m. hanggang 9 a.m. at 5 p.m. at 7 p.m.

Ang nasabing hakbang ay taunang ginagawa ng mga kumpanya bilang pagkilala sa mga kababaihan.

Ang International Women’s Day (IWD) ay ipinagdiriwang kada taon na kumikilala sa mga kababaihan sa buong mundo.