-- Advertisements --

Magandang balita para sa mga kababayan nating Marino!

Mag aalok ang Light Rail Transit Line 2 at Metro Rail Transit Line 3 ng libreng sakay para sa mga marino bukas, ika-25 ng Hunyo ng taong kasalukuyan.

Ito ay bilang pakikiisa at pakikipagtulungan ng Maritime Industry Authority (MARINA) sa Department of Transportation (DOTr) Railway Sector upang ipagdiwang ang ‘Day of the Filipino Seafarer’.

Ang nasabing libreng sakay sa LRT-2 ay mag-uumpisa simula 7:00 AM hanggang 9:00 AM at magpapatuloy ito ng 5:00 PM hanggang 7:00 PM.

Habang ipatutupad naman ang libreng sakay sa MRT-3 bandang 5:30 ng umaga hanggang matapos ang operasyon ng nasabing rail line.

Pinaalalahanan naman ng ahensya ang lahat ng marino na ipakita lamang ang kanilang valid na Seafarer’s Record Book (SRB), Seafarers Identity Document (SID) o kaya’y Seafarer’s Identification Booklet (SIB) para makapag-avail o makakuha ng nasabing libreng sakay.