Nagpatupad ng mas pinaikling byahe ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority ngayong Bisperas ng Pasko at maging sa Bagong Taon.
Ang naturang shortened operations ay para sa linya ng Light Rail Transit line 2 na nagsimula ngayong araw at muling ipapatupad sa December 31.
Layon ng hakbang na ito na mabigyan ang mga frontliners ng pagkakataon na mas maagang makasama ang kanilang pamilya para makapagdiwang ng Noche Buena at Media Noche sa mga nabanggit na araw.
Ang unang tren ay umalis kaninang alas alas-5 ng umaga ngayong araw at aalis parehong oras sa December 31.
Samantala ang huling byahe para sa mga tren na magmumula sa Antipolo Station ay hanggang alas 8 lamang ng gabi habang ang tren na mula sa Recto Station ay huling aalis pagsapit ng 8:30 PM para ngayong araw.
Para naman sa December 31 , ang huling tren ay aalis sa Antipolo Station pagsapit ng alas 7 ng gabi at 7:30 PM naman para sa tren na mula sa Recto Station.