Inanunsyo ng pamunuan ng Light Rail Manila Corporation na nakumpleto na nila ang LRT line 1 Cavite Extension Phase 1 test run sa kanilang mga train set unit.
Ang test run na ito ay bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng Phase 1 ng LRT 1 Cavite Extension Project.
Ito ay magmumula sa Redemptorist Station hanggang Dr. Santos Station sa ParaƱaque City.
Sa isang pahayag, sinabi ng Light Rail Manila Corporation, ang test run na ito ay layunin rin na masiguro ang intergredad ng kanilang mga overhead catenary system, maayos na gulong ng tren sa riles at ang allowance ng mga tren sa platform o sa mimong dinadaanan nito.
Unang isinalang sa riles ang 2nd G=generation ng mga tren at ito at itinakda sa bilis na 4.5 kilometers per hour.
Target naman isagawa ng Light Rail Manila Corporation ang karagdagang test run sa susunod na linggo.
Ayon sa LRMC, plano pa nilang magsagawa ng karagdagang test run sa mga susunod na linggo kabilang na ang iba pang train set generation nito.