-- Advertisements --
Maghahandog ng libreng sakay ang pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) Line 2 para sa mga kababaihan bilang pakikibahagi nila sa selebrasyon ng Women’s Month.
Ito ay bilang pagbibigay-pugay sa mga Pilipina. Ang tema ng kanilang programa ay alinsunod sa naging tema ng Philippine Commission on Women (PCW) na ‘Serbisyo para kay Juana’.
Ang libreng sakay naman ay available sa lahat ng estasyon ng LRTA Line 2 sa Marso 8 sa mga piling oras lamang na maguumpisa ng 7:00am hanggang 9:00am ng umaga at susundan mula 5:00pm hanggang 7:00pm naman ng hapon.
Maaari namang makuha ang libreng ticket ng mga kababaihan sa mga ticket booth ng estasyon.