-- Advertisements --

Balik normal operasyon na ang LRT-1 matapos maantala ang biyahe nito dahil sa isang aberya.

Humigit-kumulang isang oras ang pansamantalang tigil operasyon ng Light Rail Transit 1 (LRT-1) kaninang umaga dahil sa isang faulty light rail vehicle (LRV) sa Libertad Station.

Alas-6:43 ng umaga, naglabas ng advisory ang LRMC na nagsasabing naglagay ito ng 25-kilometer-per-hour restriction sa LRT-1 mula Baclaran Station hanggang Fernando Poe Jr. Station.

Pagsapit ng 6:51 ng umaga, tuluyan nang natigil ang operasyon ng LRT-1.

Kaugnay nito, pinili na lamang ng ilang mananakay na sumakay sa alternatibong transportasyon upang hindi ma-late sa kanilang mga pasok at trabaho.

Una na rito, kaagad namang nakatugon ang pamunuan ng LRMC sa naganap na aberya at kaagad ding inayos para sa kaginhawaan ng mga pasahero.