-- Advertisements --

Maghahatid ng libreng sakay para sa mga kababaihang pasahero ang Light Rail Transit Line 2 (LRT2) bilang special treats kasabay ng pagdiriwang ng International Womens Day ngayong araw.

Ang libreng sakay ay tuwing peak hours mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Habang magsasagawa naman ng blood type testing, blood pressure checking, at random blood sugar test ang Department of Transportation (DOTr) at Light Rail Transit Authority (LRTA) sa Philippine Red Cross – Marikina at Manila chapters na gaganapin naman sa may Recto at Araneta Center – Cubao stations mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Ayon kay LRTA administrator Jeremy Regino , layunin ng nasabing aktibidad na bigyang pugay at pagkilala ang mga hindi matatawarang kontribusyon ng mga kababaihan sa ating lipunan.

Samantala, tiniyak naman ng dalawang ahensya ang kanilang commitment para sa gender equality at women empowerment.