Libreng sakay ang alok ngayon Mayo 1 ng LRT2 at MRT3 sa mga manggagawang Pilipino sa nga piling oras bilang pagdiriwang ng Labor Day 2023.
Sa isang pahayag, sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Railways Jorjette B. Aquino na maaaring magkaroon ng libreng sakay sa loob ng mga sumusunod na napiling oras:
LRT2
7:00 am hanggang 9:00 am
5:00 pm hanggang 7:00 pm
MRT3
7:00 am hanggang 9:00 am
5:00 pm hanggang 7:00 pm
Dagdag pa ni Asec. Aquino, ang kailangan lang ipakita ay ang Company ID o Government-issued ID. Aniya pa, tatanggapin naman ang mga manggagawang may edad na 18 taong gulang pataas.
“We hope that this small gesture of ours will bring joy and ease to your day. We thank you for your continued efforts and contributions to our nation. Let us celebrate Labor Day with pride and gratitude for all workers in the Philippines,” dagdag pa niya.
Ang libreng sakay sa mga riles na ito ay inalok kasunod ng kahilingan ni Labor Secretary Bienvenido E. Laguesma kay Transportation Secretary Jaime J. Bautista upang magbigay pugay sa mga kontribusyon at tagumpay ng mga masisipag na manggagawang Pilipino sa buong bansa.
“A significant number of job seekers and workers, who are daily commuters, are anticipated to attend and participate in Labor Day activities in the National Capital Region, as the main event site,” Ayon kay Sec. Laguesma.