Humingi ng paumanhin sa publiko ang Light Rail Transit Authority (LRTA) matapos na magbanggaan ang LRT Line 2 trains kagabi, kung saan mahigit 34 katao ang sugatan.
Kasabay nito ay nangako si LRTA Administrator Gen. Reynaldo Berroya sa isang statement na magsasagawa sila ng malalimang imbestigasyon sa pangyayaring ito.
Ayon sa LRTA, karamihan sa 34 sugatan sa insidenteng ito ay nagtamo ng minor injuries at kaagad namang nakalabas ng ospital.
“We apologize for this unfortunate incident and [the people could] rest assured that LRTA will seriously look into it,†ani Berroya.
Nabatid na dakong alas-9:15 ng umaga kahapon, isang “dead train” na inaayos ay bigla na lamang gumalaw mula sa pocket track nito papuntang rail track patungong Santolan Station at tumama sa operating train sa eastbound lane sa pagitan ng Anonas at Araneta Center Cubao Station.