Pinag-aaralan ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang pagsampa ng kaso laban sa isang content creator.
Kasunod ito sa pagkalat ng video na isang content creator ang naglatag ng mesa para isagawa ang dinner date sa loob ng LRT-2 train.
Ayon kay LRTA Administrator Hernando Cabrera na ang nasabing ginawa ng content creator ay walang clearance at hindi nila kinokonsinti.
Dagdag pa nito na ang mga folding table, puting tela at baso ay maaring magdulot ng kapahamakan sa ibang mga pasahero.
Sakali kasing magkaroon ng emergency brake ang mag-sudden stop ang train ay lilipad ang mga baso na tatama pa sa ibang mga pasahero.
Una ng ipinagbabawal sa kanilang mga train ang pagkain ng mga pasahero.
Inabisuhan na rn nila ng mga guwardiya na kapag may napansin na kaparehas na insidente ay agad dapat na sitahin.
Paglilinaw ni Cabrera na hindi nila pinagbabawalan ang mga content creators na gumawa ng videos basta ito ay nasa ligtas na lugar.
Ilan sa mga inihalimbawa nito ay ang mga nagaganap na busking o pagkanta ng ilang mga independent singers sa labas ng mga train.