-- Advertisements --

Nasa 2,845 na na mga Locally Stranded Individual at Returning Overseas Filipino ang dumating sa probinsya ng Zamboanga del Norte.

Ayon sa huling data ng Provincial Health office as of June 15, 2, 613 na mga LSI at 232 ROF na ang nakauwi sa iba’t ibang lugar dito sa probinsya.

Nabatid na sa ngayon ay pansamantala munang sinuspende ang Balik Probinsya, Bagong Pag-asa program ng gobyerno upang bigyang daan ang pagpapauwi sa mga nastranded sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas dahil pinapairal na mga travel restrictions.

Kaugnay nito, marami ang nagpahayag ng iba’t ibang mga reaction hinggil sa naturang programa matapos makapagtala ng kauna – unahang aktibong kaso ng COVID19 ang syudad mula sa isang LSI na dumating sa lugar noong June 6.

Samantala, isa naman ang Dipolog City Airport sa 23 listahan ng mga paliparan na pinapayagan na ang pagkakaroon ng mga commercial flights.

Mananatili namang nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine ang buong lalawigan hanggang June 30.