-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – May bago ng commanding officer ang 95th Infantry Battalion, Philippine Army na nakahimpil sa San Mariano, Isabela.

Ang incoming commanding officer ay si Lt. Col. Carlo Sangdaan na mula sa Tabuk City, Kalinga at miyembro ng Philippine Military Academy class of 1999.

Siya ay dating Ex-O ng 501st Infantry Brigade na sakop din ng 5th Infantry Division, Philippine Army.

Pinangunahan naman ni Major General Lawrence Mina, commander ng 5th ID ang isinagawang assumption of command ngayong araw.

Dinaluhan naman ito nina Brig. Gen. Danilo Benavidez, brigade commander ng 502nd Infantry Brigade, Col. Steve Crispillo ng 501st Infantry Brigade at retired Col. Monico Aggabao, ang municipal administrator ng San Mariano, Isabela.

Pinalitan ni Sangdaan si Lt. Col. Lemuel Baduya na may panibagong misyon bilang opisyal ng armada.

Tiniyak naman niya na maipagpapatuloy ang lahat ng nasimulan ni Lt. Col. Baduya pangunahin na ang mas maayos na pakikipag-ugnayan sa mga stakeholders bilang katuwang sa pagbabagong buhay ng mga dating rebelde at nananatili pa rin sa kabundukan.

Mainit namang tinanggap ng mga personnel ng 95th IB ang kanilang bagong commanding officer.