Agad isinalang ng Quad Committee ang controversial na police official na si Lt. Col. Jovie Espenido upang magbigay ng testimonya ukol sa drug war na nasaksihan niya bilang isang chief of police noong unang taon ng implementasyon nito.
Idinetalye nito kung paano siya nakatanggap ng tawag mula kay dating PNP Chief Ronald “Bato” De la Rosa upang maging hepe ng Albuera, Leyte Police Station.
Agad naman niya umano itong tinanggap kasama ang bilin na lansagin ang umano’y illegal drugs operation na pinapangunahan ng tinaguriang bigtime drug lord na si Kerwin Espinosa.
Ipinagmalaki nito na sa loob ng 18 days ay nagawa niyang lansagin ang drug ring ni Kerwin at tuluyan ding sumurender ang kaniyang ama na si dating Mayor Rolando Espinosa.
Si Mayor Espinosa ay kinalaunan ding namatay habang nasa loob ng Baybay City Provincial Jail.
Tuluyan ding nahuli aniya si Kerwin sa ibang bansa sa pamamamagitan ng pagtutulungan ng intle community.
Gayunpaman, sa loob aniya ng ilang buwan na pananatili niya bilang COP, pinanindigan ni Espenido na walang namatay sa ilalim ng kampanya laban sa iligal na droga.
Noong July 13 2016, ilang araw lamang mula noong maupo si dating PRRD bilang pangulo, na-assign si Espenido bilang COP ng Albuera, leyte.
Noong October 16, 2019, nagsilbi siyang Deputy City Director for Operations sa Bacolod City Police Office sa Western Visayas.
Sa kabila ng mistulang pagiging drug war lieutenant ni Espenido, pinangalanan siya ni dating DILG Secretary Eduardo Año na kabilang sa drugs watchlist ni dating Pang. Duterte.