Pormal nang nag-assume bilang ika-57th AFP chief of staff si Lt General Andres Centino nitong araw ng Biyernes.
Pinalitan ni Centino si General Jose Faustino Jr na nagretiro rin sa serbisyo ngayong araw.
Pinangunahan ni Department of National Defense Undersecretary Cesar Yano ang turn-over ceremony na ginanap sa Camp Aguinaldo.
Sa kaniyang talumpati, tiniyak ni Centino na gagawin ng AFP ang lahat para matapos na ang armed conflict lalo na ang problema sa insurgency bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Binigyang-diin ng heneral, na titigil ang militar sa kanilang pinalakas na operasyon laban sa mga local terrorist groups.
Tiniyak din ni Centino na magpapatuloy ang kanilang modernization program at pag upgrade ng kanilang mga capabilities sa pamamagitan ng pag procure ng mga bagong assets.
Siniguro rin ni Centino na palalakasin pa ng AFP ang kanilang magandang ugnayan sa kanilang mga counterparts sa South East Asia para mapanatili ang seguridad lalo na sa pagbabantay sa teritoryo ng bansa.
Nagpasalamat naman si Centino kay Pangulong Duterte sa tiwala nito para mamuno sa AFP.