-- Advertisements --
gen noel clement
Lt. Gen. Noel Clement (photo from Central Command, AFP)

Umupo na bilang ika-52 chief of staff ng AFP si Lt. Gen. Noel Clement kapalit ni Gen. Benjamin Madrigal na nagretiro na sa serbisyo.

Si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang siyang nanguna sa seremonya sa Camp Aguinaldo dahil hindi nakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa talumpati ni Clement, sinabi nito na prayoridad ng kaniyang pamumuno ang pagiging propesyunal ng mga sundalo, non-partisan at may pagrespeto sa international humanitarian law, at pagtaguyod sa human rights.

“My leadership aims to highlight values, advocates for the collective good of most people, and our uniformed personnel,” pahayag ni Gen. Clement.

Dagdag pa nito, mananatili ang momentum ng AFP para tapusin ang armadong pakikibaka.

Hindi rin tatantanan ng militar ang mga mga kalaban ng pamahalaan na banta sa peace and order sa mga komunidad.

“I therefore call on the leftover of a lost cause, peace is not elusive. We have worked with your comrades. We have worked with our people, we engage communities who now partakes of the fruits of our peaceful endeavors. therefore i enjoy the remaining peace spoilers to work with us,” ani Clement.