Nakatakda nang mag-assume ngayong araw bilang bagong commanding general ng Philippine Air Force (PAF) si Lt. Gen. Galileo Kintanar, kapalit ni Lt. Gen. Edgar Fallorina na magreretiro na sa serbisyo sa darating na November 1.
Si Kintanar ang ika-35 chief ng PAF kung saan si Pangulong Rodrigo Duterte ang mangunguna sa change of command sa Clark, Pampanga.
Bago pa itinalagang bagong PAF commanding general si Kintanar, naging commander siya ng Western Command na nakabase sa Palawan.
Si Kintanar ay miyembro ng Philippine Military Academy class of 1985, habang ang outgoing commanding general ng PAF na si. Lt Gen. Fallorina ay miyembro ng 1983.
Mismong si Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Eduardo Año ang nag anunsiyo na si Kintanar ang susunod ng commading general ng PAF.
Batay sa deskripsyon ng AFP chief, si Kintanar ay isang magaling na commander, silent worker, strategic thinker at isang tested ace pilot.