-- Advertisements --

guillor1

Kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na inapbrubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment ni Lt Gen. Guillermo Eleazer bilang susunod na PNP chief kapalit ni outgoing PNP chief Gen. Debold Sinas na magreretiro na sa serbisyo sa May 8, 2021.

Ayon kay Año, wini-welcome ng pangulo ang appointment ni Eleazar dahil qualified ito para pamunuan ang PNP organization.

Sa pamamagitan ng isang NAPOLCOM resolution, inirekumenda si Eleazar bilang susunod na PNP chief base sa seniority, merit, service reputation and competence.

Sinabi ni Año na umaasa rin ang pangulo kay Eleazar na magagampanan nito ng maayos ang kaniyang trabaho at pamunuan ng ang organisasyon lalo na at nasa COVID-19 pandemic pa rin ang bansa.

Si Eleazar ay miyembro ng PMA Hinirang Class of 1987.

Mistah nito sina Gen. Sinas at AFP chief of staff Gen. Cirilito Sobejana.

Si Eleazar ay mananatili sa pwesto ng pitong buwan dahil sa November 13, 2021 magreretiro na rin siya sa serbisyo.

Samantala, lubos na nagpapasalamat naman si Eleazar sa pangulo sa tiwala na ibinigay sa kaniya.

Sa isang statement sinabi ni Eleazar isang “rare opportunity” para maluklok sa pwesto lalo na at malaking hamon ang kaniyang kakaharapin dahil mataas ang “expectations” sa kaniya ng sambayanang Pilipino.

“To be appointed as the Chief PNP is a rare opportunity, but come with the challenges of good leadership and meeting the high expectations of the Filipino people. I accept these challenges. I express my sincerest gratitude to our Commander-In-Chief, President Rodrigo Roa Duterte, for choosing me to be among the instruments of his genuine intention of a having a well-disciplined and professional police force that could always be banked on in enforcing the law and in serving and protecting the Filipino people.
The same sincere gratitude is extended to DILG Secretary Eduardo M. Año for always believing in my capability to lead the more than 220,000-strong Philippine National Police. At higit sa lahat ay nagpapasalamat ako sa Poong Maykapal sa pambihirang pagkakataon na ibinigay niya sa akin upang pagsilbihan ang aking kapwa Pilipino,” mensahe pa ni Gen. Eleazar.

Sa darating na Biyernes nakatakdang isagawa ang turn-over of command ceremony.