-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Palasyo ng Malakanyang na si Philippine Army Commanding General Lt.Gen. Romeo Brawner ang pinili ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., na maging susunod na AFP Chief of Staff kapalit ni Gen. Andres Centino.
Si Brawner ay miyembro ng PMA MAKATAO Class of 1989.
Nabatid na si Centino ay itatalaga ng Pangulo bilang Presidential Adviser to the West Philippine Sea.
Si Brawner ay recipient ng ibat ibang military awards dahil sa kaniyang excellent performance.
Bago siya naging Army chief, siya ang Commander ng 4th Infantry Division na naka base sa Cagayan de Oro City.
Isa sa kaniyag naging major accomplishment ay ang pag- neutralized kay Jorge Madlos alias Ka Oris ang commander ng National Operations Command ng New Peoples Army (NPA).