-- Advertisements --
CLEMENT SANTOS
IMAGE | Now retired Gen. Noel Clement and newly appointed chief of staff of the Armed Forces of the Philippines Lt. Gen. Felimon Santos Jr./Christian Yosores

Agad tinalakay ni Lt. Gen. Felimon Santos Jr. ang kanyang mga plano sa pag-upo bilang bagong chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kasabay ito ng pagtu-turn over sa kanya ng pwesto ng nag-retirong si Gen. Noel S. Clement.

Bilang kilalang opisyal na tumugis sa ilang kilalang rebelde at Abu Sayyaf habang pinuno ng AFP Eastern Mindanao Command noon, isa sa mga unang pinangako ni Santos ang mas mahigpit na pagtutok sa pagpapasuko sa mga ito.

Umaasa si Santos na malaki ang maitutulong ng kanyang termino para tuluyan ng matuldukan ang insurgency ng mga rebelde, gayundin na hindi na magpatuloy pa ang pag-atake ng Communist rebels.

Sa Agosto kasi ay nakatakda ring magre-retiro si Santos kasabay ng kanyang ika-56 na taong kaarawan.

“I would like to encourage all the officers, enlisted personnel, civilian human resources to stay on the course, remain professional in the conduct of our duty, abide by our mandate, be dedicated to the fulfillment of our mission objectives,” ani Santos.

“Good governance practices and efficient delivery of basic services create resilient communities that thwart the return of communist terrorist groups in their respective provinces and cities.”

Ilan pa sa mga pangako ni Santos ang patuloy na pagbabantay sa banta ng terorismo, pagtulong sa war on drugs ng administrasyon, pagpapalaks ng koordinasyon sa Bangsamoro at modernisasyon sa AFP.

Para sa taong 2020, ang motto ng Sandatahang Lakas ay: Masiguro ang pangmatagalang kapayapaan.

Matapos ang acceptance speech ay nagkaroon ng symbolic ceremony na pagpapasa ng espada ni Clement kay Santos na sumisimbolo ng Change of Command sa AFP.

Sa kanyang mensahe naman nagpasalamat si Clement sa kanyang naging termino, kasabay ng pagsusumite ng accomplishment report sa pamamagitan ng isang libro kay Pangulong Duterte.

Ginawaran ng plaque at medals si Clement dahil sa 38 walong taong serbisyo nito sa AFP.

“The man that will take over the helm of the AFP is a man of solid reputation. I am fully confident that your new Chief of Staff is as determined and capable a leader,” ani Clement.

Pinuri naman ng presidente ang katatalaga pa lang ng bagong AFP chief.

“Under the command of Gen. Santos, I am confident that the AFP will further achieve more milestones in protecting freedom and democratic values,” ani Duterte.

“You (AFP) will always have my full support and confidence as we build a more stable and peaceful future for our people. Be assured that this admin will always assist the men and women of the AFP as we overcome the challenges we face as a nation.”