Bukas na ang opisina ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board para sa mga mag-aaply ng special permit ng mga bibiyaheng bus ngayong papalapit na Holy Week.
Layon nito na matiyak na sapat ang bilang ng mga bus na magbibigay ng serbisyo sa mga lugar na libo-libo ang mga pasahero.
Sa isang pahayag, sinabi ng pamunuan ng LTFRB na ang paghahain ng special permits ay tatagal lamang hanggang March 8, 2024.
Sinabi rin ng ahensya na limitado lamang ang probisyon para sa special permits mula March 24-31 ng taong ito.
Samantala, pinayuhan ng LTFRB ang mga operator ng bus na nagbabalak kumuha ng special permit na inhanda ang mga kakailanganing requirements.
Kabilang na rito ang kasalukuyang LTO OR/CR ng kanilang mga sasakyang bus.
Kailangan ring magdala ng valid Personal Passenger Accident Insurance Policy.