-- Advertisements --

Kinumpirma ngayon ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Atty Cheloy Garafil na nag-resign na siya sa puwesto.

Gayunman agad naman nitong nilinaw na lilipat lamang siya ng opisina sa Office of the Press Secretary upang tanggapin ang alok sa kanya na maging undersecretary at officer-in-charge (OIC).

Ipinaabot naman ni Atty Garafil ang kanyang pasasalamat sa Pangulong Ferdinand Marcos Jr dahil sa pagtitiwala sa kanya at ang makapagsilbi sa taongbayan.

Si Garafil ay dati na ring naging Director II sa House of Representatives’ Committee on Rules, nagsilbi rin bilang prosecutor, state solicitor at dati ring journalist.