-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Hindi umano sinipot ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chair Martin Delgra ang naitakdang pakikipagpulong nito sa mga operators ng mga public utility vehicles (PUV) sa Baguio City at Benguet kahapon.

Gayunman, sinabi sa Bombo Radyo ni Rey Bacoco, presidente ng United Metro Baguio-Benguet Jeepney Federation na natuloy pa rin ang dayalogo sa pagitan ng mga operators ng mga taxi, jeeps at UV Express sa lokalidad.

Ayon sa kanya, pangunahing pinag-usapan nila ang tungkol sa PUV modernization program ng pamahalaan.

Pinag-usapan din aniya ang hiling nilang P1 provisional fare increase sa mga pampublikong jeep.

Inihayag niya na hanggang ngayon ay wala pang sagot ang LTFRB sa nasabing hiling ng mga ito.

Umaasa rin sila sa positibong resulta ng kanilang pagpupulong kahapon ukol sa nasabing isyu.