-- Advertisements --
IMAGE © LTFRB | Executive Director Samuel Jardin

Nahaharap ngayon sa suspensyon si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) executive director Samuel Jardin matapos akusahan ng panunuhol.

Batay sa ulat, tumanggap ng P4.6-milyong suhol si Jardin kapalit ng approval sa aplikasyon ng prangkisa ng ilang public utility vehicle.

Mismong si Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade umano ang naglabas ng kautusan nitong Miyerkules.

Tatagal ng 90-araw ang suspensyon ni Jardin habang lumalakad ang imbestigasyon.

Bukod sa LTFRB executive director, may isang transport official din umano ang nakatakdang patawan ng parusa dahil sa kinasasangkutang reklamo.

Patung-patong na reklamo gaya ng grave misconduct, graft at conduct prejudicial to the best interest of the service ang inihain laban kay Jardin laban sa charge sheet na inilabas ng DOTr.