Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na hindi ito magpapatupad ng fare hike sa gitna ng nagpapatuloy ng pagsusulong sa PUV Modernization program ng pamahalaan.
Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III, walang basehan ang pagpapatupad ng taas-singil sa pamasahe para sa mga public utility vehicle sa bansa sa gitna ng patuloy na pagsusulong naturang programa.
Sa isang statement ay binigyang-diin ni Guadiz na mananatili sa dating presyo ang pamasahe sa mga pampublikong sasakyan kung saan aabot lamang sa Php13 ang minimum fare para sa mga traditional jeepneys, habang nasa Php15 naman para sa mga modern jeepneys.
Samantala, kasabay nito ay inihayag din niya na kinakailangan dumaan sa masusing pag-aaral at multiple consultation sa mga concerned agencies ang pagpapatupad ng fare hike sa mga pampublikong sasakyan dahil marami aniyang factors ang kailangang ikonsidera bago ito isakatuparan.