Hindi pa tiyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung kanilang uulitin ang libreng sakay ng EDSA Bus Carousel.
Kasunod ito sa pagtatapos na ng nasabing programana nitong nakaraang araw ang libreng sakay sa mga itinalagan Bus Carousel na programa ng ahensiya na nakasaad sa Bayanihan II.
Ayon sa LTFRB na mula ng ilunsad ito noong Hunyo 30, 2021 ay nasa halos 32 milyong mga mananakaya ang nakinabang.
Karamihang mga nakinabang sa nasabing libreng sakay ay mga medical frontliners, essential workers at mga authorized persons outside residence o APOR.
Inilunsad ang phase II ng programa sa Metro Manila, region 1, 2, 3, 4-A, 4-B, Region 5, Region 6, Region 7,8,9, 10, 11, CARAGA at CAR.
Ang programa ay nasa ilalim ng Service Contracting Program bilang kautusan ni Department of Transportation Secretary Art Tugade para matugunan ang kakulangan ng pumapasadang sasakyan para sa mga medical frontliners.
Sa pamamagitan ng nasabing programa ay nabigyan ng insentibo ang mga drivers at operators base sa mga nakukumpletong biyahe kada linggo.