Pinag-aaralan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang alegasyon ng ilang pampasaherong sasakyan na nawawalan na sila ng pasahero mula ng ilunsad ang operasyon ng motorcycle taxis.
Ayon kay Atty. Paul Austria ang secretariat ng Technical Working Group (TWG) na siyang nangangasiwa ng motorcycle taxi pilot run, na kahit may ilang transport group ang nagreklamo ng kawalan na nila ng pasahero ay mahalaga na ito ay maberipika.
Giit nito na ang mga motor taxi ay walang ruta kumpara sa mga pampasaherong jeep, bus at UV.
Isusumite nila ang finding sa House of Representatives pagdating ng Mayo 30 kung saan magsisilbi itong panuntunan ng mga mambabatas para sa paggawa nila ng bagong batas ukol sa motorcycle taxi operations sa bansa.