-- Advertisements --

Higit isang linggo bago ang paghihigpit sa mga nakapag-consolidate ng mga pampublikong jeep.

Inamin ng Land Transprtation Franshising ang Regulatory Board o LTFRB na may mga ruta sa Metro Manila ang walang nag-consolidate.

Pero tiniyak ni LTFRB-NCR Regional Director Atty. Zona Tamayo na may sasalo sa zero consolidation na ruta.

Bagama’t hindi sinabi ni Tamayo kung saan-saang bahagi ito karamihan aniya sa mga rutang walang nag-consolidate ay nasasakupan lamang ng maikling distansya.

Mayroon din aniyang ibang urin ng pamnpublikong sasakyan sa mga nabanggit na ruta.

Simula sa Pebrero uno ay ikokonsidera ng colorum ang mga jeep na hindi nakapag-consolidate.