-- Advertisements --

Inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang nasa 1,018 special permits sa mga babyaheng bus ngayong Semana Santa.

Ibig sabihin, maaari silang pumasada sa ibang ruta lalo na’t inaasahan ang buhos ng mga pasaherong pauwi sa kani-kanilang mga probinsya.

Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III , ang permit na ito ay maybisa lamang mula April 11 hanggang 27.

Ang permit na ito ay para sa mga bus na magmumula sa Metro Manila patungo sa iba-ibang lalawigan.

Makatutulong ang permit na ito na matiyak na magiging sapat ang mga bus na maghahatid ng dagsang pasahero.

Nagsagawa na rin ang LTFRB ng random inspection sa mga public utility vehicles at transport terminals upang matiyak na ligtas ang mga pasahero bilang bahagi ng paghahanda sa Semana Santa.

Nagpaalala naman ang opisyal ng ahensya sa mga pasahero na iwasan na ang pagdadala ng maraming bahagi at mga ipinagbabawal na gamit para hindi maabala ang kanilang byahe.