Itinanggi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na naantala ang paglabas ng pasahod ng mga EDSA Carousel bus drivers at conductors.
Kasunod ito sa ginawang kilos protesta ng mga drivers at conductors ng bus na dumadaan sa EDSA Carousel.
Sinabi ni LTFRB executiive director Maria Kristina Cassioin na nailabas na nila ang kabuuang P672.69 milyon sa ES Consortium.
Ayon naman sa ES Consortium na sila ang gumagawa ng hakbang sa “mediation process” sa mga apektadong drivers at conductors.
Magugunitang nagsagawa ng kilos protesta ang mga bus drivers at conductors dahil umano sa hindi pa nakakatanggap ng kanilang sahod mula pa noong nakaraang taon.
Ipinatupad ang EDSA Carousel noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic para mayroong libreng sakay ang mga frontliners matapos na mahinto ang regular na pamamasada ng mga jeep at bus.