Itinanggi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maliit lamang ang nagastos sa inilaang pondo sa service contracting program.
Sinabi ni LTFRB chairman Martin Delgra na naipamahagi na nila ang mahigit P2.2-bilyon mula sa inilaan sa kanila sa Bayanihan 2 habang mayroong P539-M naman ang naipamahagi na galing sa General Appropriations Act.
Nangangahulugan nito na mayroong 41 percent ang kanilang naipamahagi mula sa Bayanihan law at 17.9 percent naman mula sa GAA.
Reaksyon ito ng LTFRB sa naging puna ng Commission on Audit (COA) na mayroon lamang P59 milyon ang nagastos ng LTFRB sa P5.58 bilyon na pondo para sa Service Contracting Program.
Sa ilalim kasi ng service contracting na ang mga drivers at operators ng public utility vehicles ay binabayaran ng gobyerno para na umikot matapos na bawasan ang bilang ng mga pumapasadang sasakyan dahil sa COVID-19 pandemic.