-- Advertisements --

Kinondina ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamomomba sa isang pampasaherong bus sa Parang, Maguindanao nitong Linggo.

Dahil aniya sa insidente ay nagtamo ng matinding sugat ang apat na pasahero.

Ayon sa LTFRB na labis silang nalulungkot dahil sa nangyari ang insidente sa loob mismo ng bus.

Nanawagan sila sa mga otoridad at sa publiko na agad na isumbong sa kanila ang mga pagkakakilanlan ng mga nasa likod ng insidente.

Magugunitang patungo sa Pagadian City ang Rural Tour bus na may lulan ng 23 pasahero ng biglang sumabog ang isang improvised explosive device (IED) sa likod nito.

Patuloy ang pangangalap ng mga kapulisan ng pagkakakilanlan ng mga suspek ng nasa likod ng insidente.