Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magbibigay sila ng special application permits para sa lahat ng public utility vehicles (PUVs) sa Metro Manila at sa iba pang probinsya sa bansa.
Ginawa ng LTFRB ang pahayag kaugyan narin ng kanilang mandato na panatiliing handa at ligtas ang lahat ng public transportation para sa mga Pilipinong mananakay.
Ayon sa pamunuan ng LTFRB na si Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III, maguumpisa silang magbigay ng aplikasyon para sa Transport Network Vehicle Services permits sa Desyembre 15.
Kung saan makakatanggap ang nasa 15,000 na PUV ng naturang permits na siyang ipapamahagi sa Desyembre 20 hangggang Enero 4 taong kasalukuyan.
Kaugnay nito nauna namang nakapagbigay ng special permits ang LTFRB para sa mga public utility buses na nagsimula noong Nobyembre 18 at nagtapos noong Nobyembre 29 na siyang magagamit sa Desyembre 23 hanggang sa susunod na taon ng Enero 3.
Nakamonitor naman ang ahensya para sa mga operator ng PUV para mapaghandaan ang pagdami ng mga pasahero sa holiday season.