Maglalabas ng show-cause orders ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa mga operator ng bus at iba pang pampublikong sasakyan matapos magpositibo sa ilegal na droga ang kanilang mga driver sa isinagawang nationwide drug testing noong Abril 16.
Ang surprise drug testing ay isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ilalim ng “Oplan: Harabas,” na ginanap sa mga pangunahing terminal ng pampublikong transportasyon sa buong bansa.
Ayon sa ulat, 86 sa 3,270 indibidwal ang nagpositibo — 84 ay mga driver ng public utility vehicles (PUVs), habang 2 naman ay conductor. Kabilang sa mga nagpositibo ang 13 bus drivers, 1 mini-bus driver, 19 jeepney drivers, 47 tricycle drivers, 1 taxi driver, 2 motorcycle taxi riders, at 11 UV Express drivers.
Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III, seryoso ang ahensya sa pag-aksyon laban sa mga lumalabag sa batas at naglalagay sa panganib ng kaligtasan ng publiko.
Dagdag pa niya, obligasyon ng mga operator na tiyaking ang kanilang mga driver ay mayroong pisikal at mental na para sa pagmamaneho.
Samantala maaring patawan ng suspensyon o pagkakansela ng kanilang prangkisa ang mga operator.