-- Advertisements --
Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga pasaherong magpapakita ng mga pekeng vaccine cards at medical certificate na mahaharap ang mga ito sa kaukulang kaso.
May kaugnayan ito sa pagsisimula ngayong araw ng “no vaccination, no ride” policy na ipapatupad sa mga pampasaherong sasakyan.
Ayon kay LTFRB-National Capital Region (NCR) Director Zona Tamayo, na maaring masampahan ng kaukulang kaso ang magpapakita ng kanilang mga pekeng vaccination card.
Nauna rito naglabas ng memorandum ang Department of Transportation (DOTr) na hindi pasasasakayin sa mga pampasaherong sasakyan ang mga hindi bakunadong indibidwal dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.